6 Easy Ways to Remove the Gallstones in our Body

1. Paggising sa umaga, wala kang dapat kakainin o inumin kahit na tubig. Pagka- alas 6:00 ng umaga, uminom ng isang baso na katas ng mansanas (apple juice). May nabibili sa mga tindahan na purong apple juice o pwede ring pigain ang preskong bunga ng mansanas (gagamit ng juicer) hanggang mapuno ang isang baso ng katas nito.

2. Alas 9:00 ng umaga, iinom ulit ng isang baso ng katas ng mansanas

3. Pagka-alas 12:00 ng tanghali, iinom ulit ng isang baso ng katas ng mansanas

4. Alas 2:00 ng hapon ay iinom ulit ng isang baso ng katas ng mansanas. Tiisin lang kung makakramdam ng gutom . Huwag masyadong gumalaw-galaw sa araw na iyon. Puwedeng hihiga lang o uupo-upo lang at magpahinga o manood ng telebisyon para malibang.

5. Bago mag-alas 6:00 ng hapon ay ihanda ang isang kutsara ng epsom salt, at ihalo sa isang tasa ng mainit na tubig. Nabibili ang Epsom salt sa mga malalaking botika. Haluin ito ng mabuti gamit ang kutsara hanggang matunaw ang Epsom salt sa tubig. Pagka-alas 6:00 ng hapon ay tamang-tama na kaya mo na ang init ng tubig na may Epsom salt, at inumin agad ito.

6. Pagkatapos ay ihanda ang isang tasa na katas ng lemon o puwede ring katas ng calamansi; at saka isang tasa na purong langis ng olibo (extra virgin olive oil). Nabibili ito sa mga tindahang nagbebenta ng mga pang-dayuhang produkto. Paghaluin ng mabuti ang dalawang sangkap. Pagka alas 7:00 ng gabi, magsimulang inumin ang pinaghalong sangkap.

Puwedeng isahan lang pag-inom o puwede ring unti-untiin pero kailangang maubos iyon ng isang oras hanggang alas 8:00 ng gabi. Pag maubos inumin ang pinaghalong sangkap, agad na mahiga sa iyong komportableng higaan ng nakatagilid na posisyon na nasa ilalim ang kanang bahagi ng iyong katawan.

Maghintay, at dapat ay nakahanda na ang iyong paglalagyan ng iyong dumi upang Makita ang lalabas na mga bato sa iyong pantog. Maya-maya ay nakakaramdam na ang ilan na sila ay gustong magbawas. Ang ilan naman ay kinabukasan na sila makakaramdam na gusto silang magbawas. Tiisin lang ang gutom na mararamdaman ng hindi makakakain sa loob ng isang araw.

Konting sakripisyo lang ang kailangan kumpara sa masakit at delikadong operasyon na pamamaraan. Kinabukasan ay makakaramdam ka na ng ginhawa at nagbunga na ang iyong pagsasakripisyo ng iyong gutom, pag lalabas na ang mga bato sa iyong apdo, at iba pang maiitim na dumi na nagiging sanhi ng ibat-ibang karamdaman, at sobrang timbang.

Pagkatapos ay puwede ka ng makakain sa wakas, pero dapat kaunti muna, at yung pagkain na madaling tunawin gaya ng lugaw o oatmeal, upang hindi mabigla ang iyong sikmura. Makakaramdam ka na nagkaroon ka ng karagdagang lakas, at liliit pang iyong tiyan. Higit sa lahat, maiiwasan mo ang masakit na operasyon sa apdo, bagkus ay nasolusyunan ang iyong problema sa natural na paraan.

Special Offer for YOU!!