Watch: Mga Dapat Gawin Para makaligtas Coronavirus!

Para Maka-ligtas sa Coronavirus. Ito Dapat Gawin! Mahalagang Tips ni Doc Willie Ong

1. Hindi sapat na mag-face mask lang. Dapat magbaon ng 70% alcohol sa bag at ilagay sa bahay na kita ng lahat para gamitin palagi.

2. Iwas sa mataong lugar. Limitahan ang pag-travel kung hindi importante.

3. Banlian o initin ang mga kutsara at tinidor o magbaon ng sariling kubyertos.

4. Ang N95 mask ang pinakamabisa laban sa virus. Walang kasiguraduhan sa ordinary face mask.

Panoorin po ang video hanggang dulo. Simple lang ang payo ko.

Gusto ko MAKUHA niyo yung PAG-IISIP at pagiging AWARE sa mga gamit sa paligid, pintuan, hawakan, keyboard, mesa at iba pa na posibleng nagdadala ng sakit!

HINDI sapat ang FACE MASK lang. Kailangan may BAON na ALCOHOL sa mga Offices, Banyo, para hindi kumalat ang mga sakit. Nasa KAMAY natin naipapasa ang mga mikrobiyong ito.

Tandaan, puwede mabuhay ng hanggang 24 oras ang mga virus at mikrobyo sa mga gamit.

Mensahe sa mahal kong followers:

Kaibigan, sa LAHAT ng VIDEOS ko, nakikita niyo na laging TAMA lang ang DIIN ng aking mga payo. Hindi sobra, hindi kulang. Hindi kami nagpapa-viral, click-bait o nagdudulot ng panic. Ang BUHAY ninyo at ang Buhay ng inyong pamilya ang MAHALAGA sa amin. Sa katunayan, pag may epidemic o sakit, lalo lang LUMALALA ang sitwasyon pag nag-panic ang tao. Dahil magiging mali ang kanilang desisyon. Kaya SUNDIN ang mga payo ko. Puwede magbigay ng ALCOHOL, SABON at MASK sa mga empleyado niyo. Malalampasan din natin itong epidemic na sakit. God bless sa lahat. – doc willie

Special Offer for YOU!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *