HEALTH WARNING: Madalas na Pagkain ng Instant Noodles at Pancit Canton, Masama sa Kalusugan

Mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng karamdaman sa puso at pagkakadanas ng stroke sa mga taong madalas kumain ng instant noodles. Ito ang lumalabas sa isang pag-aaral na isinagawa sa Bayer at Harvard University, mga pangunahing eskuwelahan sa Estados Unidos.

Ayon sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaeng kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng metabolic sydrome. Ito ay maaaring magdulot ng high blood pressure at high blood sugar levels na maaaring mauwi sa diabetes, stroke at heart disease.

Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na idigest o gilingin ang mga instant noodles. Maraming mga instant noodles ang nagtataglay ng kemikal na tertiary-butyl hydroquinone, isang food additive na ginagamit sa petroleum industry. Matagal bago madigest ng ating bituka ang mga instant noodles.

Ayon pa sa kanilang pag-aaral, ang mga bansang may pinakamataas na bilang ng kumakain ng instant noodles gaya ng South Korea, Estados Unidos, India, Japan, China, at Vietnam ay may mataas din na bilang ng taong dumaranas ng sakit sa puso at obesity o sobrang timbang.

Dagdag pa ni Hyu Shin, isa sa mga may-akda ng pag-aaral, bagaman pinapadali ng mga instant food ang buhay ng tao, ang mga sangkap nito gaya ng sodium, saturated fats, at iba pa ay maaaring may masamang epekto sa kalusugan lalo na kung mapaparami at matagal na ang pagkonsumo sa mga ito

Pwede pa namang kumain ng instant noodles o pancit canton pero siguruhin na huwag lalampas sa dalawang pakete ang kakainin sa isang linggo

Ito ang mga Dahilan Kung Bakit Kaiangan natin Bawasan ang pagkain ng Pancit Canton:  

1. Mataas sa fat at sodium (asin) content ang mga instant noodles at pancit canton. Ang isang pakete ng pancit canton ay nagtataglay ng 600-900 mg ng sodium. Mataas ito dahil ang recommended na sodium na dapat makain sa isang araw ay 1500 mg sodium.

2. Maraming saturated fat at trans fats ang instant noodles. Posible na makapagpataas ito ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at type 2 diabetes.

3. Nakakataba rin ang pagkain ng puro instant noodles. Puno ito ng carbohydrates at kulang sa protina at sustansya.

4. Ayon sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke.

5. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaing kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng diabetes, stroke at heart disease.

6. Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na idigest o gilingin ang mga instant noodles. Matagal bago ma-digest ng ating bituka ang instant noodles.

Special Offer for YOU!!